Thursday, January 01, 2009

Nagpaputok Ka Ba Kagabi?

Taong 2009 na. May giyera pa rin sa Mindanao. At kagabi, nagpaputok ang mga tao sa paligid ko habang ako nama'y nagsindi ng fountain at baby rocket. Iba't ibang klaseng paputok ang namayagpag sa alapaap sa kabila ng tuloy-tuloy na ambon, sa kabila ng giyera sa Mindanao.

Sa Mindanao, laging Bagong Taon dahil laging may putukan. Kung ang mga batang taga-Mindanao ay nasa Maynila kagabi, tiyak kong hindi sila mag-eenjoy. Sa isip nila marahil ay may tanong. Para saan at nagpapaputok kayo?

0 comments: